Ang Talambuhay ni Honey Grace Santos
Sino nga ba si Honey? Itong batang ito ay kilala bilang batang pasaway,matigas ang ulo at mataray daw. Pero kahit ako ay kilala sa ganitong ugali ako ay may kabaitang naitatago sa aking sarili. Ako ay mabait, matulungin at masunurin din naman. Haha ..hmp, hindi ko alam kung paano ako magsismula. Ako ay magpapakilala muna sa inyo .
Ang sweet namin ng kapatid ko nung mga vata pa kaming dalawa, ngunit nung lumaki kami lagi kaming bangayan nito. Pero kahit na ganoon mahal na mahal ko pa din naman yan. Sobrang cute ng kapatid ko ano? Haha .. close na close kami nito at alam nyo ba na favorite ko itong alagaan nung bata pa ito?
4yrs old ako nito ..
Si Honey Grace Rotciv V. Santos ay ipinanganak sa Pasig City noong ika-12 ng abril taong 1995. Ang aking mga magulang ay sina Grace Santos at Victor Santos. Ako ay may dalawang nakakabatang kapatid. Sina Rovince Rotciv Santos at si Vince Mattew Santos. Ako nga pala ay kilala din sa pangalan na Honeypotz,potz o kaya naman ay bakla. Hmp..sa maniwala kayo at sa hindi tinatawag akong ganyan sa amin.
5yrs old ako nito ..
Ang larawan kong ito ay kuha sa bahay dati ng ninang ko. Lagi kasi akong nagbabakasyon sa lola ko at kapag nagkataon ay hinihiram ako ng ninang ko para may kasama ang mga pinsan ko at para may makalaro sila. Ngunit bata pa lamang ako ay lagi nang nag-aaway ang mga magulang ko. Tanda ko pa noong ako ay kinder pa lamang pinalayas ni mama ang papa ko dahil nahuli sya ni mama na may iba siyang babae. Ngunit nagkaayos sila kaagad dahil na rin sa aming mga anak niya. Grade 1 naman ako noon, tanda ko pa na ako ay nagsasagot sa pisara ng dumating ang ina ko para magpaalam sa akin sapagkat siya daw ay humiwalay na sa papa ko . malungkot ako noong mga sandaling iyon at tila wala ako sa sarili ko dahil sa mga pangyayaring iyon. Natagalan bago bumalik noon ang mama ko . nakiusap ako sa ama ko na hanapin si mama at pauwiin na ito. Dahil mahirap kapag ang ina ang nawala , at isa pa ang mama ko ay hinahanap-hanap ng aking batang kapatid. Nung panahong nangyari ito ay bata pa ang kapatid ko at ako ay wala pa ding kakayahan para alagaan ang kapatid ko.
Obvious ba? Pics ko nung 1st bday ko..
Ako ba talaga ito? Whew..cute ko noh? Haha ,agree ka na at lahat naman ng bata cute eh. Tanda ko pa nito dahil ito ang pinakamasayang birthday ko. Sarap ng cake ko oh. Gusto niyo? Hmm..itong cake lang na ito ang natatandaan ko,marahil ito lang ang cake na meron ako nung birthday ko. Haha.ok loang yan at least buo ang pamilya yun ang masaya di ba ?
Couz duday at ako..
Hmm..cute naming ng pinsan ko noh? Close kami niyan nung bata pa, kahit naman ngayong malaki na kami ay sobrang close kami niyan. Lahat ng mang-aaway diyan inaaway ko na din. Hmm..kaya dapat wala mang-aaway diyan ha. Lagi kaming magkapareho sa lahat ng bagay. Sa damit, laruan at sa marami pang iba.
Lola ko sa mother side..
Yan ang lola ko. Kita niyo bas a larawan na iyan na siya ay nakanganga? Haha..kasi siya ay naggagayat ng mga gulay at ako ay nangungulit. Ako kasi ay nasa kanya tuwing bakasyon at halos siya na ang nag-alaga sa akin. Marami akong natutunan sa kanya. Bata pa lang ako ng matuto ako kung paano ang tamang paggayat sa mga gulay. Marahil paglaki-laki ko pa ay marunong at masarap din ako magluto dahil marami-rami ding putahe ang naituro sa akin ng lola ko. Masarap magluto yang lola kong yan, kaya ako ay nataba kapag nagbabakasyon sa kanya. Wala na ang aking lola sa panahong ito kaya sobrang namimiss ko ang mga bagay na ginagawa namin at mga bagay na tinuturo niya sa akin.
Pics naming with my father.. =(
This time sobrang saya ko. Kasi buo kahit hindi kami buo, nakasama ko naman ang papa ko sa mga sandaling ito. Ang bata ko pa dito pati ng kapatid ko. Hmp.ang pangit ko talaga eh, kahit noon pa man. Haha..agree?
Ganda ng underwater background namin..
Ang nasa larawan ay ang kapatid ko, ako, ang ninang ko, si roan at si wilard(L-R). Ang saya naming nito, nakikita naming ang maraming uri ng mga isda. Ito nga pala ay sa manila ocean park. Nung time na ito ay unang labas ko dahil ako ay busy sa trabaho ko sa kumpanya ng ninang ko. Oo,nagtrabaho ako sa edad kong yan. At para sa kaalaman ninyo tungkol sa akin, ang pinagtrabahuhan ko diyan ay ginamit ko para sa nalalapit na pasukan. Masarap sa pakiramdam na yung mga bagay na ginagamit at ginagastos mo ay galing sa pawis at paghihirap mo. Malaki din ang kinita ko sa pagtatrabaho ko. Bumili ako ng mga gamit ko sa school at pang-2 buwan na baon ko. Ang saya ko naman .
ito ang mga kapatid ko na sina Vince at si Rovince..
Ang kapatid ko na si Rovince ay tunay kong kapatid at si Vince ay kapatid ko sa aking ama. Ngunit kahit ganoon ay nagawa naming tanggapin ang kapatid ko sa ama. Kasi naisip ko na walang kasalanan ang kapatid ko sa mga nangyayari. Kaya madali ko itong natanggap. Hmm..ang kapatid kong si Rovince ay habang lumalaki ay nalayo ang loob sa akin dahil na rin sa siya ay napapabarkada. Ang cute nila noh?
Mga pamilyang malupet.
Nuvali on tagaytay trip..
Nagpunta kami nito sa tagaytay kasama ng iba ko pang kamag-anak. Ang saya nito. Kahit papaano ay nawala ang aming mga pinoproblema sa buhay. Sumakay kami sa boat ditto at kami ay iginala ng taong naga-assist sa amin sa boat na aming sinasakyan. Masarap sa pakiramdam ang aking nadama pagkababa naming. Pagkatapos, nagpakain kami ng mga isda ditto. Napakadami nila, sila ay naga-agawan sa pagkaing binibigay naming sa kanila.
Ackoo at si ericka..
Ang kaibigan kong yan ang pinakamatagal ko ng kaibigan. Puro kami nito katangahan sa buhay. Partners in crime ko yan. Pero lagi rin kami nitong nag-aaway pero nagkakaayos din naman kaagad. Open kami nito sa isa’t-isa. Wala kaming sinisikreto nito. At hanggang sa paglaki namin walang magbabago sa aming dalawa. Bff kami nito ..
ENCHANTED KINGDOM .. ang saya ai
Ang saya naming nung nagpunta kami sa enchanted kingdom lahat ng mga makapigil hiningang rides ay sinubukan kong sakyan kasama ang kapatid ko. Ang mga nasakyan lang naming ay ang roller coaster, space shuttle, swan lake at ang jungle outpost. Hindi ako nakasakay sa ekstreme pati sa anchors away dahil hindi na kinaya ng powers ng aking kapatid na sumakay pa sa mga ganoong klaseng rides. Whooh..ang saya naman eh.
SANTOS-ARENAS clan reunion ..
Ang saya naming lahat ditto dahil kahit hindi nakasama lahat, kami naman ay masaya. Nakakain lahat kami ng ayos at pagdating ng gabi kaming lahat ay nagkakasiyahan. Ang mga bata ang nagswimming sa umaga at ang mga malalaki naman ang sa gabi. Kaming tatlong tres marias including ate fae, ate duday at ako ay nagkaroon ulit ng bonding matapos ang mahabang panahon na hindi naming ito nagagawa. Naging masaya ang kwentuhan naming sa pool. Maraming bagay na napagkwentuhan about sa mga sarili. At kami ay nalungkot din dahil si ate fae at aalis na papuntang Canada at doon na sila titira. Ngunit mag-aantay pa din kami ng oagkakataon na magawa ulit naming ang bagay na ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)