*2 months ako dito*
Sino nga ba si Honey? Itong batang ito ay kilala bilang batang pasaway,matigas ang ulo at mataray daw. Pero kahit ako ay kilala sa ganitong ugali ako ay may kabaitang naitatago sa aking sarili. Ako ay mabait, matulungin at masunurin din naman. Haha ..hmp, hindi ko alam kung paano ako magsismula. Ako ay magpapakilala muna sa inyo .
*ako at ang kapatid ko*
Ang sweet namin ng kapatid ko nung mga vata pa kaming dalawa, ngunit nung lumaki kami lagi kaming bangayan nito. Pero kahit na ganoon mahal na mahal ko pa din naman yan. Sobrang cute ng kapatid ko ano? Haha .. close na close kami nito at alam nyo ba na favorite ko itong alagaan nung bata pa ito?
*4 years old ako dito*
Si Honey Grace Rotciv V. Santos ay ipinanganak sa Pasig City noong ika-12 ng abril taong 1995. Ang aking mga magulang ay sina Grace Santos at Victor Santos. Ako ay may dalawang nakakabatang kapatid. Sina Rovince Rotciv Santos at si Vince Mattew Santos. Ako nga pala ay kilala din sa pangalan na Honeypotz,potz o kaya naman ay bakla. Hmp..sa maniwala kayo at sa hindi tinatawag akong ganyan sa amin.
*5 years old ako dito*
Ang larawan kong ito ay kuha sa bahay dati ng ninang ko. Lagi kasi akong nagbabakasyon sa lola ko at kapag nagkataon ay hinihiram ako ng ninang ko para may kasama ang mga pinsan ko at para may makalaro sila. Ngunit bata pa lamang ako ay lagi nang nag-aaway ang mga magulang ko. Tanda ko pa noong ako ay kinder pa lamang pinalayas ni mama ang papa ko dahil nahuli sya ni mama na may iba siyang babae. Ngunit nagkaayos sila kaagad dahil na rin sa aming mga anak niya. Grade 1 naman ako noon, tanda ko pa na ako ay nagsasagot sa pisara ng dumating ang ina ko para magpaalam sa akin sapagkat siya daw ay humiwalay na sa papa ko . malungkot ako noong mga sandaling iyon at tila wala ako sa sarili ko dahil sa mga pangyayaring iyon. Natagalan bago bumalik noon ang mama ko . nakiusap ako sa ama ko na hanapin si mama at pauwiin na ito. Dahil mahirap kapag ang ina ang nawala , at isa pa ang mama ko ay hinahanap-hanap ng aking batang kapatid. Nung panahong nangyari ito ay bata pa ang kapatid ko at ako ay wala pa ding kakayahan para alagaan ang kapatid ko..
*cousin duday at ako*
*ito ang lola ko sa mother side*
Marami akong natutunan sa aking lola. Bata pa lang ako ng matuto ako kung paano ang tamang paggayat sa mga gulay. Marahil paglaki-laki ko pa ay marunong at masarap din ako magluto dahil marami-rami ding putahe ang naituro sa akin ng lola ko. Masarap magluto yang lola kong yan, kaya ako ay nataba kapag nagbabakasyon sa kanya. Wala na ang aking lola sa panahong ito kaya sobrang namimiss ko ang mga bagay na ginagawa namin at mga bagay na tinuturo niya sa akin.
*Pics namin with my father.. *This time sobrang saya ko. Kasi masaya kami kahit hindi kami buo, nakasama ko naman ang papa ko sa mga sandaling ito. Ang bata ko pa dito pati ng kapatid ko. Hmp.ang pangit ko talaga eh, kahit noon pa man. Haha..agree?
Ang nasa larawan ay ang kapatid ko, ako, ang ninang ko, si roan at si wilard(L-R). Ang saya naming nito, nakikita naming ang maraming uri ng mga isda. Ito nga pala ay sa manila ocean park. Nung time na ito ay unang labas ko dahil ako ay busy sa trabaho ko sa kumpanya ng ninang ko. Oo,nagtrabaho ako sa edad kong yan. At para sa kaalaman ninyo tungkol sa akin, ang pinagtrabahuhan ko diyan ay ginamit ko para sa nalalapit na pasukan. Masarap sa pakiramdam na yung mga bagay na ginagamit at ginagastos mo ay galing sa pawis at paghihirap mo. Malaki din ang kinita ko sa pagtatrabaho ko. Bumili ako ng mga gamit ko sa school at pang-2 buwan na baon ko. Ang saya ko naman.
Ito ang mga kapatid ko na sina Vince at si Rovince..Ang kapatid ko na si Rovince ay tunay kong kapatid at si Vince ay kapatid ko sa aking ama. Ngunit kahit ganoon ay nagawa naming tanggapin ang kapatid ko sa ama. Kasi naisip ko na walang kasalanan ang kapatid ko sa mga nangyayari. Kaya madali ko itong natanggap. Hmm..ang kapatid kong si Rovince ay habang lumalaki ay nalayo ang loob sa akin dahil na rin sa siya ay napapabarkada. Ang cute nila noh?
*Nuvali on tagaytay trip..*Nagpunta kami nito sa tagaytay kasama ng iba ko pang kamag-anak. Ang saya nito. Kahit papaano ay nawala ang aming mga pinoproblema sa buhay. Sumakay kami sa boat ditto at kami ay iginala ng taong naga-assist sa amin sa boat na aming sinasakyan. Masarap sa pakiramdam ang aking nadama pagkababa naming. Pagkatapos, nagpakain kami ng mga isda ditto. Napakadami nila, sila ay naga-agawan sa pagkaing binibigay naming sa kanila.
*Ackoo at si ericka..*Ang kaibigan kong yan ang pinakamatagal ko ng kaibigan. Puro kami nito katangahan sa buhay. Partners in crime ko yan. Pero lagi rin kami nitong nag-aaway pero nagkakaayos din naman kaagad. Open kami nito sa isa’t-isa. Wala kaming sinisikreto nito. At hanggang sa paglaki namin walang magbabago sa aming dalawa. Bff kami nito ..
*ENCHANTED KINGDOM .. ang saya ai*Ang saya naming nung nagpunta kami sa enchanted kingdom lahat ng mga makapigil hiningang rides ay sinubukan kong sakyan kasama ang kapatid ko. Ang mga nasakyan lang naming ay ang roller coaster, space shuttle, swan lake at ang jungle outpost. Hindi ako nakasakay sa ekstreme pati sa anchors away dahil hindi na kinaya ng powers ng aking kapatid na sumakay pa sa mga ganoong klaseng rides. Whooh..ang saya naman eh.
*santos clan reunion*
Ang saya ko nung time na ito kasi at last nagkabati na din ang mga magkakaaway. hmm.. hindi ba alata ang kasiyahan namin? wala nga lang ang mama ko dito kasi may work siya at hindi siya pwedeng lumiban. pero ok na din kasi kahit papaano naging buo ang aming pamilya .
*KSM*
Ang gabing ito ang hinding-hindi ko makakalimutan. napakasaya namin sobra, tili dito tili doon. hays.. kakapagod nga eh ! haha.mahal ko ang mga kaibigan ko. kasi sila lang ang nakakaintindi sa akin. marami akong natutuhan sa kanila, hindi lang puro kalokohan pero sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal na aking hinahanap. kaya maraming salamat sa kanila. hinding-hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino. haha
*ako na ito sa ngayon*
Sa ngayon marami pa akong kailangang tahakin sa aking buhay. una na dito ang aking pag-aaral at pangalawa ang kinabukasan naming magkakapatid. sa ngayon ako ay papasok na sa kolehiyo, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. gagamitin ko ang aking mga natutuhan sa aking dating paaralan para makamit ang aking mga pangarap.
Dito na nagtatapos ang buhay ng isang babae na kahit nagloko man sa buhay ay may pangarap din namang nag-aantay.
Martes, Mayo 10, 2011
Ang Talambuhay ni Honey Grace Rotciv Santos
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento